I tried this Quiz Galaxy that I saw on Angeline's Blog.
This is my future obituary:
WTF?! Paris Hilton? Of all people...
I'm so... lustful? CONGRATULATIONS!
Today's Last Song Syndrome, Glock-9's Ipagpatawad Mo
Lagi ko na lang naririnig yung Ipagpatawad Mo ni Glock-9 sa isang pedicab na laging dumadaan sa kalye namin. Kaninang umaga, paglabas ko ng bahay, dumaan yung pedicab na kumakanta ng Ipagpatawad Mo. Natuwa naman ako kasi gusto ko talaga yung kantang yun, kahit anong version. Kaya lang hindi ko natapos yung kanta kasi malayo na yung padicab. Kanina naman pauwi habang naglalakad ako sa kalye namin, narinig ko na naman yung kanta at alam ko nang padating yung pedicab na yun. Kakatuwa talaga. :) Paalis at pauwi, Ipagpatawad Mo ang naririnig ko. Nakakatuwa yung linya dun na, "Palagi kong pupunasan ang mga libag mo." Haha. Go.
Sinabi na yung Midterm grade namin, Repeat ang grade ko. Wow, first time. Hindi yun ang original grade ko sa Midterm kasi sa Monday pa kami kukuha ng Midterm exam sa Mechanics. Yung Repeat na yun ay kabuuan ng mga short quizzes at 1 long exam ko. Dalawa lang nakapasa sa section namin. Congratulations! Argh. Hindi ko yun kinaya ah. Second Long Exam namin kanina sa Mechanics. Sinabi ng prof namin na kung sa tingin namin ay hindi na naman maipapasa yung long exam, ibalik yung papel sa kanya at lumabas na ng classroom. Kapag binalik, magbibigay ulit siya ng ibang exam. Siyempre sinagutan ko pa rin yung exam. Duh, walang urungan. Lahat na yata ng kasabihan naisip ko na habang pinagdedesisyon kami ni sir. No guts, no glory. Quitters never win; winners never quit. Yan lang pala. Kinaya ko naman yung exam at may 30 bonus points kami kasi hindi kami nagquit. :) Pagkatapos ng exam, naramdaman ko namang papasa ako kasi yung last number lang hindi ko sure ang sagot. Pero, you can never tell. Minsan kasi, feel na feel mo ng tama ang mga sagot mo at mataas ang makukuha mo, tapos malalaman mo lang na akala mo lang pala yun. Ouch. Hindi pa naman tapos ang buong term at gagawin ko na talaga lahat ng magagawa ko para pumasa at magbigay ng ngiti sa mga labi ni Mama. :)
Debut ni Diane kahapon at sa Cavite siya ginanap, sa bahay nila. Triplets kami nila Diane, Jewel, at ako kasi mga kuladiday kami. Haha.
Jewel, Diane, and Ellaine: The Kuladidays of ECE51

Cherz, Mae, and Joan: Triplets din daw sila. Hehe

Jewel and Ellaine: Ang laki ko at ang liit ni Jewel.
Mae and Bimbo: Ang cute talaga ni Bimbo sa kanyang new hair cut.

Diane and Bimbo: Sorry blurry, nagsasayaw kasi sila.

Jewel and Ellaine: Kahit blurry, maganda pa rin kami. Di ba? Hehe

Jewel and Ellaine: Ang kulit namin, no?

Jewel and Ellaine: Hindi naman kami masyadong mahilig sa camera.
Yehey!!! 18 na rin si Diane. Next week 18 na rin si Jewel. Legal na kami sa lahat! ;) Oops! Hindi naman sa lahat lahat...
A guy who can be a lover and a friend.A guy who opens doors for you in restaurants, malls, or even the car's door.
A guy who'll let you wear his jacket even if he's freezing.
A guy who never forgets to tell you that you're pretty (even if you know you're not really pretty, but at least for him you are pretty.)
A guy who'll give you his last piece of cake and last bite of his burger.
A guy who notices everything in you, from your scent to your hair and new buffed nails.
A guy who'll pick you up after school or work even if he is miles away and drive you home just to make sure you'll safely get home.
A guy who is fastidious, just like us girls. He fusses about his clothes, what scent to wear, and just how he'll look when you're going out together, so you'll know he wants to look good for you.
A guy who'll dedicate every love song to you and sing them for you even if he can't carry a tune. (You know he's a terrible singer, but don't you just love it when he sings for you?)
A guy who'll text you first.
A guy who always texts back.
A guy who'll call you often.
A guy who calls after hanging up just to say he misses you already and he just can't help but to call you again.
A guy who'll love you more.
A guy who'll respect and love your family even if they're mean to your guy. Well, not really mean, they're just trying to decode your guy.
A guy who'll treat you right and respect you as well.
A guy who is sensitive enough to feel you're hurt.
A guy who knows what can make you cry but will never let those tears fall from your eyes.
A guy who knows what's best for you and gives you what you deserve.
...wala ako nun. ![]()
Childhood lang merun ako. Nakita ko kanina sa Batangas yung kalaro ko dati, si Rona. Grabe, 13 years na rin kaming hindi nagkikita. Naalala ko pa dati, twing umaga pupunta ako sa bahay nila tapos maglalaro kami kasama yung kapatid niyang si Rose. Bahay-bahayan, lutu-lutuan, luksong lubid, at madami pang iba ang mga nilalaro namin. Hindi ko na rin masyadong maalala kung ano pa.
Kapag naglalaro kami, ako yung laging pampered at may kakaibang treatment, special treatment? (Special child ba ako? Ehehe. Hindi naman siguro.
) Pantay-pantay naman yung rules, siyempre pero kapag ayoko nung laro hindi namin nilalaro. Kapag hindi ko na kaya yung sa luksong lubid pero kaya pa nila, ititigil na namin. Hindi rin kami nag-aaway-away, hindi tulad ng ibang mga magkakalarong bata. Hindi ko lang maintindihan kung bakit sabi dati ni Rona ay naarap niya ang tatay ko dati. Nako, baka minumulto ni tatay ang mga umaaway at nananakit sa akin. Sana hanggang ngayon, gawin niya yun. Kahit na hindi naman talaga niya yun ginagawa. Ehehe.
Si Rona nga pala, mga kapatid, ay engaged na. Ang saya ko naman para sa kanya. Siya ay 20 years old na at ang kanyang fiance ay 26 years old at isang engineer. Sayang nga at hindi niya kasama kanina kasi nasa Pangasinan pa raw. Baka raw sa December na sila ikakasal. Matatagalan pa kasi Iglesia ni Cristo si fiance at nagpapa-convert pa si Rona. OMG, hindi ko kinayang siya ang susunod sa religion ng kanyang mapapangasawa. Bakit hindi yung lalaki ang tumiwalag sa INC? Oh well, swerte si fiance kay Rona dahil handa siyang mag-iba ng religion para sa kanya.
Hinanap ko si Rose kanina kasi hindi ko siya nakita pagdating namin sa bahay nila Tita Lina. Sabi niya nasa Tagaytay raw si Rose. Hindi nakapunta sa Batangas kasi kasama niya ang boyfriend niya dun sa Tagaytay. Wow, ang mga kalaro ko nung bata, ikakasal na yung isa at yung isa naman may steady boyfriend. Napaka-ganda naman ng love life nila, no? Siyempre, tinanong ako ni Rona kung may boyfriend ako. Sa totoo lang, hindi yun tanong eh kasi sabi niya, "Si Ate Ellaine, may boyfriend na." Sabi ko naman wala akong boyfriend at nagulat siya dahil wala. Bakit ba? Wala eh. Parang lahat na lang ng nagtatanong sa akin tungkol dun, hindi naniniwalang wala akong boyfriend. Ano bang itsura ng isang babaeng may boyfriend at walang boyfriend? Hindi ko alam. Basta wala. May nagtanong din kung dalaga pa raw ako. Sabi ko, "Happily married, with two kids and a loving husband." Siyempre joke lang yan, si Mama ang sumagot na dalaga pa ako. Kung ako pasasagutin, isasagot ko talaga yun kahit hindi naman totoo. Wala lang, masaya lang siguro makita yung reaction nung taong makakarinig nun. ![]()
For Angeline:

For KatKat:

For Kate:

For Him:



...pero hindi ako yun.
Sa twing sasabihin niya ang dalawang salitang, "Girlfriend ko," tinatapos ng isip ko ang pangungusap nito, "...pero hindi ako." Gusto kong sabihin sana sa kanya na call her by name at hindi girlfriend ko, kaya lang nag-iinarte na naman siguro ako nun. Wala naman akong dapat i-angal talaga dahil totoo naman yung sinasabi niya, girlfriend niya nga naman yun. Puta, ang sakit. Siyempre isang malaking sampal sa mukha ko yun kasi gusto ko ako yung tinutukoy niyang girlfriend.
Mahirap maging inggitera. -- Sinabi ko dati kay M. na naiinggit ako sa kanya. Kumontra siya sa pagiging inggitera ko at sinabi niyang huwag akong mainggit dahil mahirap ang buhay ng madaming girlfriends ang kanyang boyfriend. Ang kinaiinggitan ko lang naman kasi ay mahal na mahal siya nun pero hindi ko na rin sinabi sa kanya yun. Ewan. Napapagtanto ko tuloy na sobrang nakakaawa ang sarili ko. Ako na mismo naaawa. Shit. Para lang mahalin ng isang taong hindi ko mabasa ang isip, kung anu-ano na pinaggagagawa ko. Nakakatakot.
"I love you." -- Sabi niya nung isang gabi. Sinabi na rin niya. Tinanong niya ako kung masaya ba ako. Masaya dahil sinabi niya yun? Naisip ko tuloy kung totoo ba yun at galing sa puso niya o gusto niya lang akong pasayahin? Baka hindi niya talaga nararamdaman at wala talaga siyang nararamdaman. Kung gusto niya lang akong pasayahin, bakit naman niya ako gustong pasayahin kung wala lang ako sa kanya? pero kasi natural na sa kanyang magpasaya ng mga tao. Kung tatanongin ko siya, babanatan niya lang ako ng, "Bakit ayaw mo?!" Bakit naman natakot ako?! Puta talaga, low-profile na assuming pa.
Kahit ganyan naiisip ko, ayaw ko pa rin matapos ang lahat. Napaka-imposible dahil hindi naman talaga magtatagal itong sitwasyon namin. Iniisip ko na kapag mag-iiba na ang lahat at dumating na ang oras, sana akin na siya. (Yuck, wala ng mas ko-corny pa. Sorry, wala akong mahanap na tamang phrase para maging mas maayos pakinggan.
)
Sana lang hindi niya ito mabasa. Yun nga ba gusto kong mangyari? Ang hindi niya malaman kung anong nasa isip ko? Minsan, gusto kong malaman niya lahat ng nasa isip ko, lahat ng sinusulat ko rito, kaya lang pa-awa effect naman yun. Kung mababasa niya, wala namang magbabago, malamang deadma lang din, kaya walang kwenta kung mabasa niya pa. Wala naman siyang pakialam. Pwedeng may pakialam siya pero dedeadmahin niya lang kasi hindi niya alam gagawin niya. Hindi niya alam gagawin niya kasi alam niyang tama ang nasa isip ko at hindi niya lang talaga kayang isuko yung girlfriend niya. Na kung ma-ge-guest siya sa Balakubak at tinanong siya nila Joey, Janno, at Anjo kung sino ang una niyang ililigtas sa bangkang lulubog na, baka si B. o kaya si M. pa ang iligtas niya at hindi ako. (Hindi ako sumama sa boating experience nila, sila lang tatlo.
)
Ang gusto ko nga palang birthday gift ay makasama siya ng isang buong araw, maging kami ulit sa araw na iyon, at kalimutan lahat ng mga bagay bagay na nakakasakit sa puso. Kung mababasa mo, ayan ang gusto kong birthday gift. Puta (sorry, huli na ito), ang manhid (o nagbubulagbulagan lang?).
Ilang beses ko na siyang isinuko at hindi ko na kakayanin mawala pa siya ulit ngayon. Hindi na.
Makasama siya ng isang buong araw, at ang araw na iyon ang simula ng bagong magandang bukas.
Ang saya ng buhay... dahil gusto kong maging masaya. Yun lang talaga ang immediate reason, siyempre madaming underlying reasons:
Ang tagal ko ng hindi na-update ang blog ko. At masasabi ko lang, sobrang daming nangyari, happy moments, not-so-happy moments, but most of them oh-so-sad moments.
Mahal ko pa rin siya. Yun lang gusto kong sabihin talaga eh. Ang tanga ko nga lang talaga dahil may gf siya, pinagsisiksikan ko pa rin sarili ko. Shit naman. Pinagsisiksikan. Well, yun talaga ang masakit pero tamang term sa kung anong pinaggagagawa ko ngayon. Haaay. Para sa akin, hindi pinagsisiksikan pero sa paningin ng ibang tao, eh ganun na rin yun.
Hindi ko maiwasan magselos sa mga girls na... basta girls niya? Pero kung iisipin mo talaga, hindi naman ako nagbebenifit sa pagseselos ko pero yung gf niya. Titigil niya ginagawa niya (ewan kung iiwasan niya nga ba talaga) dahil nagseselos ako pero hindi naman talaga ako yung gf niya. Ang shit talaga.
Alam ko naman talaga ang dapat kong gawin. Ayoko lang gawin dahil sa ayoko lang talaga. Ang daming pwedeng mangyari kung gagawin ko at kung hindi ko rin itutuloy. Pero pinili ko pa rin mamalagi sa ganitong sitwasyon kasi gusto ko. Walang pakialaman. Ayoko lang mangsisi ng iba kung sa huli ay hindi ako nagtagumpay. I'll take the risk and blame myself in the end. Bakit ba kasi negative results lang iniisip ko? Well, reality bites.
Hindi nawawala ang tanong sa akin na, "Bakit ba siya ang gusto mo...?" Kasunod niyan, sasabihin nila kung bakit dapat ayoko na sa kanya. Eh makulit talaga ako. At sasabihin ko for the nth time, "Kapag gusto ko, gusto ko talaga. Hindi ako titigil hanggat hindi ko nakukuha ang gusto ko." Tapos maiisip ko na lang, eh kung hindi naman talaga para sa akin? Hindi ko rin malalaman di ba? Hindi ko rin malalaman kung hindi ba talaga siya para sa akin at hindi ko rin malalaman kung siya ay para sa akin. Kahit anong sides, hindi ko alam ang kalalabasan. Kaya para walang regrets, sige lang ng sige.
Ang selfish ko naman ata. Mahal ko siya, gusto ko siya kahit hindi naman niya ako mahal o kaya gusto dahil siya talaga gusto ko at mahal ko. -> Iniisip ko lang sarili ko niyan kasi andito pa rin ako kahit wala akong napapala, hindi ko na inisip yung nararamdaman niya. Sa kabilang dako naman, hindi pwedeng mahalin at gustuhin ko siya dahil lang mahal at gusto niya ako. -> Mas makasariling reason di ba? Reciprocal feelings lang. Sabi naman kasi ni Angeline, nagiging selfish ang isang thought kung titignan mo itong selfish. Well, kung hindi mo nga naman iisiping makasarili yun ay hindi mo mararamdamang makasarili yun dahil may iba ka namang reason para dun at hindi sarili mo lang iniisip mo. So, ang bottom line, gusto ko siya dahil gusto ko siyang gustuhin at mahalin kahit walang kapalit. Oo, martyr sa paningin ng mga tao. Ang masasabi ko lang, hindi yun martyr para sa akin.
Sabi ko nga kay Angeline kanina, "I'll grow up, someday." May magbabago naman kaya? Ewan ko rin. Ehehe. Sana.
Bigla naman kami napunta sa usapang 49.9. Kamusta na kaya siya? Sila? Gusto ko siyang makita, silang makita, at masasabi ko na lang sa sarili ko, "Hindi ko naman pala talaga siya gusto." Ahaha. Parang magagawa. Pwede naman eh. Nararamdaman ko pa rin ang sakit na dinulot ng mga pinagsasabi niya na, haaay, parang totoo na rin kung titignan mo sa ibang anggulo. Pero, sana balang araw magsisi siya.